Magnitude 4.5 na lindol yumanig sa Benguet; pagyanig naramdaman sa Urdaneta City
By The University Of Scribe
•
Jul 8, 2026 at 7:49 PM
•
1 min read
•
1 min read
Jul 8, 2026 at 7:49 PM
1 min read
Continue reading
Niyanig ng magnitude 4.5 na tectonic earthquake ang lalawigan ng Benguet nitong 2:33 ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Natukoy ang sentro ng lindol sa 9 kilometro sa timog ng Tuba, Benguet (16.31°N, 120.55°E), na may lalim na 10 kilometro. Naitala ang Instrumental Intensity V sa Baguio City, Intensity IV sa Aringay, La Union, Intensity III sa Sison, Pangasinan, Intensity II sa Urdaneta City, at Intensity I sa Cuyapo at Lingayen.
Bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, sinuspende ang mga klase sa Urdaneta City University (UCU) at ilang paaralang malapit dito.
Patuloy namang pinapayuhan ng mga awtoridad ang publiko na manatiling alerto at sundin ang mga opisyal na abiso kaugnay ng sitwasyon.
Source: PHIVOLCS
Ulat nina Rhey Anne M. Pascua at Ashley R. Donceras
#TheUniversityScribe
#21YearsOfImmutablePassion
#InscribingPerspective
Create an Account
Choose your account type
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts!