Alas Pilipinas, pinataob ang Indonesia; Silver sa SEA V Cup
By The University Of Scribe
•
Aug 10, 2026 at 10:11 AM
•
2 min read
•
2 min read
Aug 10, 2026 at 10:11 AM
2 min read
Continue reading
Muling sumulat ng kasaysayan ang Alas Pilipinas matapos masungkit ang silver medal at mapabagsak ang Team Indonesia sa second leg ng SEA V Cup sa Chiang Mai, Thailand, sa iskor na 25-13, 23-25, 25-19, 33-31.
Bumira ng pinagsamang 34 puntos ang tambalang Laure-Belen, habang nagtala naman si Solomon ng 19 puntos upang tulungan ang Pilipinas na makuha ang panalo.
Bumawi ang Alas Pilipinas matapos ang winless campaign nito sa unang leg ng kompetisyon.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Takayuki Minowa, head coach ng Alas Pilipinas, na mas nagpokus sila sa kanilang sarili at hindi sa kalaban.
“Because what we can control is only our side, and then, they did it,” dagdag niya.
“We really prepared for this game because we had a chance to get the silver medal, and I believed in the team. I knew that we could win this game, and I’m so happy that we won this game,” saad naman ni Bela Belen sa post-interview.
Hinirang na Best Outside Hitter si Eya Laure habang nakamit naman na Alyssa Solomon ang back-to-back Best Opposite Hitter sa nasabing kompetisyon.
Sa ngayon, umakyat ang Pilipinas sa No. 53 sa world rankings, habang bumaba naman ang Indonesia sa No. 56.
Paglalatag ni Rafael U. Bagalay
#TheUniversityScribe
#21YearsOfImmutablePassion
#InscribingPerspectives
Create an Account
Choose your account type
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts!